Kwento ng Magsasaka
nina: Arnold Cezar Dela Cruz at Gabriel Camasura
May isang magsasaka na nagngangalanag Adonis na masipag magtrabaho sa kanyang palayan. Nakatira siya sa kanyang kubo na malapit sa dalampasigan. May anak siyang lalaki na ang pangalan ay Andoy at ang kanyang asawang si Kakay. Araw araw ay nasa palayan ang mag ama upang magtanim ng palay kasabay ng pagtatanim ng mag ama ang paglilinis naman ng kanyang butihing maybahay sa bakuran at sa paligid ng bahay nila.
Sa hindi inaasahan ay napanaginipan ni Mang Adonis ang iba't ibang bagay na nakakaapekto sa ating kapaligiran. Isa na doon ang mga pagbaha dulot sa pagkaubos ng ating mga puno, ang unti unting pagkawala ng ating mga punong kahoy na ang naging dahlan ay ang unti unting pagpuputol ng walang kaukulang permiso galing sa mga kinauukulan, ang pagkawala ng mga hayop na hindi na nakikita pa sa mga kakahuyan ay unti unti ring nawawala, paglanghap ng mga tao sa maruming hangin at ang pagkalason ng mga tao sa maruming tubig na dulot ng pagtapon ng mga dumi sa hindi tamang mga tapunan.
Paggising ay bigla niyang pinuntahan ang palayan at naisip ang napanaginipan kagabi. At bigla siyang napaisip kung ano ang gustong ipahiwatig ng kanyang panaginip. Sa pagkabalisa ay napatanong ang kanyang asawa tungkol sa mga pangyayari tungkol sa kanyang panaginip at ito ay isinalaysay niya ng buo.
" Ang pangangalaga sa ating kapaligiran pala ay mayroong kahahantungan" salaysay ni Mang Adonis.
" Ano pala ang napanaginipan mo Adonis?" tanong ni Kakay.
" Tay anu ano ba ang mga nangyari sa iyong panaginip?" dagdag na tanong ni Andoy.
" Napanaginipan ko ang mga naging epekto nang hindi magandang trato natin sa ating kapaligiran at ang mga naging masamang epektong dulot ng mga ito." Kuwento pa ni Mang Adonis.
" Ay ayun ba? ay hindi ba't nandyan sa naging aralin iyan ng ating anak na si Andoy?" sagot ni Kakay.
" Opo napagaralan namin ang iba't ibang epekto ng mga di magandang trato natin sa ating kapaligiran... Sa aming Sibika iyon itinalakay at pati na rin sa aming Agham na Asignatura. Nagkaroon pa nga kami ng dula-dulaan tungkol sa mga iyon" dali daling sagot ni Andoy.
" Kaya anak mapalad ka sapagkat ikaw ay nakapag aral ng hanggang Grade 6, hayaan mo't kapag ikaw ay tumuntong sa High School papag aralin kita sa isang magangdang eskwelahan upang sa gayon ay maging maganda ang iyong magiging pagaaral." mataas na sagot ni Mang Adonis.
Likas na masipag ang Pamilya ni Mang Adonis siya nga ay mapalad na magkaroon ng anak na likas ding matalino. Kung kaya't dalawang taon pagkatapos ni Andoy sa Elementarya siya ay nakapag aral sa isang magandang paaralan at patuloy siyang tumutulong sa kanyang mga magulang.
Hindi sukat akalain ni Mang Adonis at ni Aling Kakay na ang paglipas ng panahon ang patuloy na pagganda ng kanilang kapaligiran at pagtatanim ng mga puno. Lumipas nga ang dalawang taon at isang araw buhat nang napag usapan nila ang naging panaginip ni Mang Adonis na kung saan napatunayan nila na ang kanilang anak ay magaling hindi lamang sa kanyang klase kundi pati na sa pag aalaga ng kanyang mga magulang at nang kalikasan.
Nakalimutan pa ba ni Mang Adonis ang naging panaginip niya? Nang Isang araw ay may dumating AT.........................................( Abangan ).
Ang kwentong ito ay isinulat ni Arnold Cezar Dela Cruz at Gabriel Camasura.
Iniayos ni Jan Michael Belena.
Mula sa Grupo ng " The Little Anchors"
jm
2 comments:
😢😢😢😵😵😫😩😖😖😞😓😓😓😢🌚🌚ðŸ˜
Na bitin ako dun🥺
Post a Comment