Monday, March 17, 2008

ISSUE: Does True Love exist in a life after Death?

Issue: Does True Love exist in a life after Death?

For all the readers I may not translate this in a plain English because I find a hard time typing English words. Hope you understand!!



It all started way back on my College Freshmen days nung nasasagi sa akin ang paksang ito, well nuon pa ngang high school ko pa ito naiisip but im not serious on it.

Kasagsagan nuon ng mga Koreanovelas na very hit sa ibang bansa ang pinapalabas sa bansa. Yung iba ay inspiring yun giba naman very disastrous kaya ako naman ay nag aabang.

True Love after Death?

Parang lahat yata ng mga T.V series ito na nag paksa ehh kahit na ang punot dulo nito ay ang makikita ang paghahanap sa isang nawalay na minamahal pero pumupunto pa rin sa pagmamahalan ng dalawang tao napupunta ang atensyon ng kwento.

I dont easily believe in Destiny.. hehehe Hindi yun uso sa diksyonaryo ko, pero ang paghahanap sa isang pag ibig na hindi pa nakikita iyon medyo napupunto ko pa iyon.

Going back in the storyline...

Excited na kasi ako nuong mag College kasi nga umaangat na nga level ko sa schooling but meron ding kaba na baka hindi ko kaagad ma gets yung ituturo sa akin ( by the way Education student ako sa school namin. ). Kaya nung nag firsday na ako ay very confident akong pumunta sa school.

Yes, very easy na pwedeng tulugan ang College yun nga ay kung kaya mung tumayo sa sarili mung mga paa. And nung palapit na ang pagtatapos ng unang taon o sa Kolehiyo ay mayroong nangyari na hindi ko talaga inaasahan.

Itago natin syang si Jj ( hindi tunay na pangalan ) isa sya sa mga naging crush ko noong nasa High Schoool pa ako. Siya ay makisig, defined to be Not so Tall, Dark and 50% handsome guy na nakaklase ko ulit. Noong una ay hndi ko talaga inakala but totoo pala na cya ay kaklase ko nga hehehehe...

Naging malapit kami sa isat isa para nga kaming magkasintahan sa isa't isa pero bigla itong nag bago nang may itinanong ako sa kanya nuong sa kasagsagan ng isang seminar tungkol sa Leadership.

Sa Samal din yun idinaos at mejo maganda ang rehistro ng lugar kaya nung nagkataon na cya ang gumising sa akin ( kasama kasi kami sa iisang kwarto ) ay naglakad kami sa may pier ng nasabing resort at ipinagtapat ko ang aking saloobin tungkol sa kanya.

Ipinagtapat ko sa kanya yung tunay ko na nararamdaman at happy to say ay okey lang sa kanya yun ngunit nung dumako ako sa isang tanong ay tila ako ay binayo ng hangin sa tuwa.

" Jj , kung magiging babae ba ako may chance ba na maging tayu?" tanong ko

" Meron " sagot nya.

Sapat na iyon upang ako ay mapanatag sa aking buhay..

Ang punto lang kasi ng aking kwento ay ito.

Hindi nga ako babae ngayon na nandito ako sa mundo pero paano kung ako ay mamamatay at pupunta sa langit ? pwee na ba kaming magmahalan .

Totoo ba na may Totoong pagmamahalan sa kabilang buhay.

No comments: