Issue: NBN-ZTE Deal : It's Impact to a Student
In the EYE of a Student
It's my firstime to have blog in Blogspot so i am hesitant pa to have so many blogs after all ( huhuh )
hindi ko pa kaya kayang maggawa ng blog dito sa blogspot kasi naman first time pa hehehe....
Well there are so many happening ang dapat kong i kwento sa mga tumitingin ng mga blog sa net
especially yung mga mahihilig sa mga EHEM. Yung Ehem is a simple representation of Corruption
well it is so very weird but ehem is an expression kasi of times na kung saan kung may nakita kang di kaaya aya sa paningin mo tapos yung gumagawa ay hindi mo kakilala eh yung unang salitang mamumutawi sa mga bibig mo ay EHEM. In relation therefore i relate ko sa mg sinulat ko in advance. This is a blog which is merely related na rin sa ating bansa ngayon ( year 2008 ) I am inspired of the Lozada issua as well as the ZTE hindi ko talaga makakalimutan ang issue na ito sa lahat ng talambuhay ko. It is started when we have our session in our Political Science subject way back months ago, when the ZTE scandal go in full throttle ( hehehehe ). Our instructor discuss about the President's Power until such time na napadpad kami sa issue ni Pres. Arroyo na ZTE scandal. Actually when this issue was assigned to me and as I read newspapers ay na shock talaga ako sa mga content ng mga naturang scandal ( hala ) talo pa ata ang sex scandal sa tabi ng kalya ang content nito at kung sa pelikula pa ay kon todong Box Office hit talaga. The issue was brought to the public via Philippine Star ( issue # and Date nakalimutan ko na ) by Mr. Jarius Bondoc and personally i am a fan of him as what he did, hindi kaya mumurahin ang kinalaban nya mantakin mung buong kamara, gabinete at buong Pilipinas ang ginulat nya. In the first reading parang ang nasa isip ko ito ay isa lamang paninirang puri ni Joey De Venecia kasi nga natalo ang AHI ( Amsterdam Holdings Inc. ) dahil natalo ito sa bidding but in later kong pagbabasa since nai media na ito ay unti unti akong nagkaruon ng kaunting summarisation sa mga pangyayari. Kung paninirang puri ito, bakit pinupunterya ni Joey ang Bidding price? So hindi cya simpleng paninira lang. And issue kasi dito ay naglalaro lang sa bidding price, involve na tao, the Mystic approval, paano nasali si ( Mommy? ) GMA? at ang Lozada ( ever is a Hero? ).
Bidding Price:
Ang Arescom ng America at ang AHI ng The Netherlands ay dalawa lamang sa tatlong kumpanya na sumali sa bidding ng National Broadband Network or NBN Deal na kung saan ang mananalo ay magiging network provider ng bansa na para na rin sa magiging Computerized ng mga ahensya ng bansa, ang ikatlong kumpanya ay ang ZTE ng China. In accordance kasi at base na rin sa mga nasusulat sa mga dyaryo ang Arescom at ang Ahi ay mayruong bidding price na naglalaro lang sa $150 M pero ang ZTE mahigit kumulang $ 300 M ang naging bidding price.
Involve na tao:
Naging issue din ang ibat ibang personalidad sa gabinete ni PGMA. At isa na dito ang naunang naging popular na si dating COMELEC Chairman Benjamin Abalos. Alinsunod kasi sa batas ng Pilipinas hindi pwede ang sino mang opisyal ng Pilipinas na magkaruon ng koneksyon sa alin mang negosasyon ng Pilipinas partikular sa mga negosasyon na may pera involved. Kaya ang ginawa ni Abalos ay nag resign cya in advance upang hindi na maparusahan ng korte. naging popular din ang NEDA na kung saan naaprubahan ng ahensyang ito ang naturang deal nang hindi dumaan sa masusing pagbubusisis. FG Mike Arroyo ay isa rin sa na konek to konek ng issueng ito na kung saan isa din cya sa naging bridge ng pinas pappuntang Tsina Upang magkaruon ng masusing negosasyon.
The Mystic Approval? at ang pagkkasali ni Mommy PGMA ( hehehehe )
Ang Deal na ito ay na aprubahan na ni PGMA at nabawi rin pagkaraan ng ilang buwan pagkatapos itong lumabas sa publiko at naging ulam ng mga tsismosa at tsismoso sa iba't ibang kalya ng Pilipinas. ngunit ang tanung ng bayan? Bakit na aprubahan ng pangulo ang naturang Deal na kung saan nalaman na pala niya in advance na may kung anung lamat ng curruption na pala ang deal na ito? Naging manhid ba ito o nag bingi bingihan at nagbubulagbulagan lang ba cya? yan ang mga katanungang hindi ko kayang maisagot dahil hindi ako ang pangulo ng Pilipinas. ( How I Wish )
Lozada ( the ever Hero? )
Si Jun Lozada ay ang naging pangunahing flavor ng issue na kung saan siya na ang nagsiwalat ng maanomalyiang deal na ito. Si Lozada ay naging person to be consulted ikanga sa nasabing deal, ngunit kanya itong sinaway sa kataasan ng mga presyo ng naturang deal ngunit di pa nakuntento ang mga nasa kapangyarihan at kanila itong pinalipad sa Hongkong at duon pinatahimik at nang minsay bumalik sa pinas ay hinarang ng mga di kilalang mga personalidad. Hanggat sa dumating ang panahon na siya ay naimbitahan sa Senado upang maging pangunahing saksi sa Ehem na nangyari sa Deal
Marami ang hindi naniniwala kay Lozada madami din ang naniniwala.
madami din ang umaasa sa magiging kinalabasan ng deal na ito at ng issueng ito?
magiging matagumpay ba si Lozada sa kanyang pakikipaglaban o matatalo?
ang may akda po ng Blog na ito ay nagagalak na sabihing
Wala Pinapanigang Kampo
Sapagkat may punto ang dalawang kampo sa pakikipaglaban kung si Lozada man ay naging Witness sa Ehem? Bakit pagdating sa Senado kuntodo gisa lang sya sa mga senador? na tila isa na namang Trends in the Senate kung aking tatawagin.
Bakit walang nagawa ang mga senador na naturingan ba naman silang Law makers?
Nasaan na ang DOJ?
Ito lang kasi ang analisasyon ko sa mga nangyayari si PGMA iniimpluwensyahan ang mga utak ng mga naka upong mga opisyal habang si Lozada ay iniimpluwensyahan ang mga utak ng mga Pilipino.
So kung naglalason silang dalawa?
In the mere End? Hindi gagana ang Poeople Power
Bakit?
Dahil hindi nakuha ni Lozada ang utak ng mga ibang nasa posisyon.
para sa akin? at sa lahat ng mga taong babasa sa blog na ito mas mabuti pang mag concentrate na lang muna tayo sa ating pangaraw araw na buhay. Tayu ay Pilipino at kaya nating magtiis so yun. At saka hindi naman tayu magkakapera sa ganitong issue hindi ba? pag si PGMA ay napatalsik magiging mayaman ba tayu? kung si PGMA ay mananatili sa kanyang posisyon tayu ba ay yayaman?
bakit ang People POwer 1 at 2 nang ito ay natapos napunta ba tayu sa 1st world country?
Hindi ba't HINDI?
kayat hindi natin maiisisi sa mga oipisyal ng Pilipinas ang problema nating ito.
Ang lahat na ito ay dapat nating ibunton sa ating sarili
ang EHEM ang nagsisimula sa ating mga sarili at kung patuloy natin itong gagamitin at patuloy na magiging praktis.
Well hindi na natin magagamit ang Deuteruim na isa sa mga magdadala sa ating sa 1st world country.
How sad it is hindi ba?
let's don't just dream for a gold but having an action for a platinum.
In short wag ka lang mangarap sa munting pangarap kundi gawin natin ang nararapat na gawin na magdadala sa atin sa buhay na matiwasay...
Maraming salamat sa pagbabasa at hanggang sa muling
Issue: In the EYE of a Student
No comments:
Post a Comment